PAANO MAGING KUNTENTO AT MASAYA KAHIT SIMPLE
                                              LANG ANG IYONG PAMUMUHAY .


Ako si Jinah , lumaki at lumapad sa isang simple at payak na pamumuhay . mayroon akong dalawang kuya at dalawang nakababatang kapatid na babae , at nasa elementary palang ako ay pumanaw na ang aming Ama. kaya tanging si mama na lang ang nag taguyod sa Amin .  bata palang kami namulat na kami sa kahirapan , pero hindi ito naging hadlang para mag patuloy kami sa Buhay .
 Naranasan kong magtinda nang kung anu-anong paninda , makaraos lang kami sa isang araw.
noong elementary ako , bago ako pumasok naglalako muna ako ng Pandesal sa lugar namin .
 kaya Binansagan nila akong  " TINA, TINAPAY " pagkauwi ko naman galing eskwelahan , ay magtitinda naman ako sa Palengke ng supot . tanda ko DOS pa isang supot . tapos bago ako umuwi bibili na ako ng isang kilong bigas na nagkakahalaga ng bente pesos pa noon at kalahating kilong galunggong na nagkakahalaga ng sampong piso .  lahat nang yan galing sa pinagbentahan ko ng supot , pag tungtong ko naman ng high School . bago ako pumasok ay nag lalako parin ako ng Pandesal at pag kagaling ko sa School ay hila-hila ko naman ang Cart ng Yakult , kasama ang notebook at ballpen para gagawa ako ng assignment habang nag titinda . Nakabilad lang ako sa arawan nun , tapos na-alala ko biniro ako ng Teacher ko , kasi napadaan sya dun sa pinagtitindahan ko , itinago nya yung isang balot ng Yakult na naka display sa ibabaw ng Cart ko , sabi nya antok na antok daw kasi ako.
    basta marami pa akong pinagdaanan , na kapag kinukwento ko sa mga kaklase ,kaibigan ,
at kakilala kopara naman ma-encouraged sila kapag feeling nila masyado na silang hirap sa buhay  ay hindi sila naniniwala na pinagdaanan ko yun  . keso muka naman daw hindi ako mahirap , kasi maputi at makinis daw ang balat ko , keso muka daw nag pa-rebond ako ng buhok , may pang rebond daw ako , keso magaganda daw ang mga damit ko , at marami pang iba . Natatawa pa nga ako kasi may nakapag sabi pa na , umiinom daw ako ng gluta capsule kaya daw maputi ako ,at gumagamit ng kung anu-anu pang sabon . Jusko ! yaan din kasi ang hirap sa Atin , nakukuntento na lang Tayo sa katitingin sa Success ng iba . tapos sarili nating Buhay hindi na naasikaso .HAHAHAHA

                          PAANO NGA BA MAKUNTENTO AT MAGING SIMPLE .

1 . Wag maghangad ng Sobra -sobra tulad ng mga Luho,
   may mga bagay talaga na kailangan natin at gusto lang natin . malaki ang pinagkaiba nun , kaya         pag-isipan mabuti .

2. Matutong mag-ipon para kung may gustong bilhin , hindi na papasakitin ang ulo ng mga                      magulang sa pagnanais mo na maibigay ang gusto mo .

3.Tungkol naman sa pagiging maputi ko HAHAHAHA
    Hindi ako gumagamit ng anumang sabon pang paputi at mas lalong hindi ako umiinom ng mga        capsule kineme na yan . safeguard nga lang na tig Trese pesos sabon namin e , yung kulay green         tapos kalamansi Flavor , alam mo ba yun ? syempre hindi mo alam yun , hindi ka naman       nagsasabon e.  jk . HAHAHAHA

-Maghilod din kasi , hindi puro lotion lang , hindi naman nakakatanggal ng libag yun e.

4. Tungkol naman sa mga Damit . anu ba Kayo , karamihan ng damit ko sa Ukay-ukay lang , mga tigsa-sampo , bente lang yun . basta matyaga lang kayo mamili at syempre nasa nag dadala din yun.
yung mga Dress naman , makakabili na kayo sa Taytay 100 pesos lang may pang graduation kana . HAHAHAHA ganun lang kamura mga Besh .

5.  Tungkol naman sa Buhok . nasa lahi na kasi namin ang bagsak ang buhok, kaya tignan nyo pati           Grades bagsak din . HAHAHAHA
    mag alternate sa pag-gamit ng Shampoo/Conditioner . or mas maganda maglagay kayo ng gata sa        buhok , yung bagong piga na nyog . Promise ! effective yan .  ito rin kasi ginagawa ko

Yan ay mga simpleng bagay na isinasabuhay ko ngayon .

Comments

Popular posts from this blog