" KABATAAN NOON AT NGAYON "
Noong unang panahon ang mga kabataay palaging nasa tahanan. Parating tumutulong sa kanilang magulang sa gawaing bahay. At naiiba pa ang kanilang kasootan yun bang tinatawag nating ‘Maria Klara’ ikanga . At mas makapag-aaral pa sila ng mabuti dahil noon wala pa itong tinatawag nilang ‘Internet o di kaya'y T.V, cellphone at iba pa . Hindi pa sila nag bubulakbol o sumasama sa kanilang mga barkada kung wala ang pahintulot ng kanilang mga magulang sa madaling salita ang kabataan noon ay mabait masunorin at may takot sa kanilang mga magulang . Samantalang ngayon , malaki na talaga ang kaibahan. Dahil ang mga kabataan ngayon babae man o lalaki , hindi na natatakot sa kahit na sino . Sa madaling salita matigasin na talaga ang kanilang mga ulo. Kahit hindi pinapayagan ng magulang na sumama sa kanilang mga kaibigan ,hindi talaga nila ito sinusunod kaya minsan ang kadalasang nangyari marami ang nabuntis na mga dalagang binata at marami din ang nalulong sa masamang bisyo .At nag lalaro narin sila ng online o sa tinatawag nilang internet .At minsan hindi na sila pumapasok sa skwela para mag-aral imbis na mag-aral sila ay nagtatambay na sila kahit saan .Kaya mabagal ang pag-usad ng ating ekonomiya dahil sa katamaran nating mga Pilipino.
Ngunit hindi rin maipagkakaila na sa panahon ngayon, may mga kabataan pa ring responsable at maaasahan. Sila yung mga kabataan na mas inuuna ang pag-aaral. Sila yung mga kabataang isinasantabi muna ang pakikipagrelasyon. Sila yung mga kabataang hindi nalululong sa masamang bisyo. Sila yung mga kabataang hindi napariwara. Sila yung mga kabataang nililimita ang paggamit ng social networking sites. Masarap sa pakiramdam ang kaalamang may mga kabataan pa ring namumuhay gaya ng mga kabataan noon.
Marami sa mga kabataan ngayon ang hindi pa namumulat sa riyalidad at patuloy na namumuhay sa kanilang mga pantasya ngunit sa darating na mga panahon, naniniwala akong kailangan rin ng sapat na panahon upang mapagtanto nilang sila nga talaga ang pag-asa ng bayan.
Marami na nga ang nagbago di lamang sa pamamaraan ng kanilang pamumuhay, kundi pati na rin sa mga kinagisnang tradisyon o mga gawain. Noon, tuwing may naiibigan ang lalaki, matiyaga niyang liligawan ang babae. Una, bumibisita sa pamamahay ng kanyang iniirog at nagpapalaam ng matino sa mga magulang ni babae. Bilang bahagi ng panliligaw, hinaharana niya si babae--aalayan ng magandang kanta-- at may iba pa ngang ginagawa ang pag-iigib ng tubig o di kaya'y pagsisibak ng kahoy. Pakipot pa si babae hanggang sa may mapatunayan si lalaki.
Ngunit ang mga kabataan ngayon, dinadaan na lamang sa text o di kaya'y sa chat ang panliligaw. May iba pa ngang babae ang unang gumagawa ng unang hakbang. Kapag sinagot na si lalaki, di kalauna'y maghihiwalay rin.
Sa kapanahunan ngayon, hindi na siniseryoso ng ibang kabataan ang pakikipagrelasyon. May ilang araw lang naging magkasintahan tapos maghihiwalay agad-agad. May iba rin na ginagawang trip o di kaya'y koleksyon ang kanyang mga nakakarelasyon. Mapait mang isipan, ngunit ito ang karaniwang mga nagaganap sa mundo ngayon.
Noon, ang mga kabataan ay nasanay na magtrabaho para makatulong sa pamilya. Yung iba pa nga, nag-aaral sa umaga at kumakayod naman tuwing gabi. Hindi ko sinasabi na ang tatamad ng mga kabataan ngayon. Ngunit base sa obserbasyon at/o pag-aaral, karamihan sa mga kabataan ngayon ay ginugugol ang kanilang oras sa pag-e-internet o di kayay paglalaro ng kompyuter games.
Marami man ang kaibahan noon at ngayon, sana'y hindi natin kalimutan na tayong lahat ay Pilipino. Tayo'y iisa tungo sa kaunlaran ng ating bansa.
Noon, ang mga kabataan ay nasanay na magtrabaho para makatulong sa pamilya. Yung iba pa nga, nag-aaral sa umaga at kumakayod naman tuwing gabi. Hindi ko sinasabi na ang tatamad ng mga kabataan ngayon. Ngunit base sa obserbasyon at/o pag-aaral, karamihan sa mga kabataan ngayon ay ginugugol ang kanilang oras sa pag-e-internet o di kayay paglalaro ng kompyuter games.
Marami man ang kaibahan noon at ngayon, sana'y hindi natin kalimutan na tayong lahat ay Pilipino. Tayo'y iisa tungo sa kaunlaran ng ating bansa.
Comments
Post a Comment